Itutuloy ko ba and sulong? Medyo tinatamad na ako. Marami kasing mga projects na pinagkaka-abalahan. At sa istilo ng pag optimize ko ng site, di rin ako uubra sa mga hustlers ng Philippine SEO scene.
Kunsabagay, madali lang naman ang sumali. Wala namang gagastahing malaki dahil lahat ng domain pwede basta makakapaglagay lang ng linkback sa mga sponsors.
Kung pag-uusapan ang linkback sa sponsors, nahilo ako sa dami ng mga links na dapat ilagay. Aba. Magandang gimik to ah. Magpapa-premyo ng kunyari Php 100,000. May linkback sa 5 sites mo. Tapos kunyari mga 100 sites yung sumali. 5 required x 100 sites = 500 links. Kung bumili sila ng tig $5.00 or Php 250.00 kada link, magbabayad sila ng $2,500 or Php 125,000. Mas mura nga yung magpapa contest nalang.
Teka di pa kasali yung linkbait dyan. Sa tingin ko di nalang ako sasali. Mas malaki ang premyo ngayon kesa dati. Ibig sabihin mas gagalingan pa ng mga sumali ang pag-spam at pag-seo. Sa mga sumali good luck sa inyong pagtuloy sa sulong. Ituloy Angsulong!!!
sige lang, tuloy mo lang..madami pa naman oras eh..